Senator Trillanes, itinanggi ang pag-recruit sa mga sundalo para mag-kudeta

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Senator Antonio Trillanes IV ang report na nire-recruit nya ang mga graduate ng Philippine Military Academy o PMA class 2006 para magsagawa ng kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Trillanes, fake news ang nasabing balita dahil wala mismong si AFP Chief of Staff General Eduardo ano na ang nagsabi na walang recruitment at nilulutong destabilization na nangyayari.

Diin pa ni Trillanes, walang dahilan sa ngayon para magkaroon ng military intervention dahil marami pa namang democratic remedies na pwedeng gawin para tugunan ang mga anumalya sa administrasyon Duterte.


Facebook Comments