Senator Trillanes, muling nagpatutsyada sa Pangulo; Pinirmahang waiver para mabuksan ang di umano’y offshore account nito, iginiit na kumpleto

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Antonio Trillanes na kumpleto ang mga pinirmahan niyang waiver para mabuksan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga inaakusa sa kanyang offshore account.

Sagot ito ng Senador sa birada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang saysay ang mga pinirmahan niyang waiver dahil hindi naman daw niya solo ang mga nasabing bank account.

Muli rin namang hinamon ni Trillanes ang Pangulo na pumirma ng Bank Secrecy Waiver.


Binanatan din ni Trillanes si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte dahil sa hindi pa rin niya pagpapakita ng kanyang tattoo.

Paratang pa ng senador, sangkot sa drug trade si Pulong.

Samantala, inihahanda na rin daw ng kanyang mga abogado ang ihahaing ethics complaint laban kay Senador Richard Gordon gayundin ang libel case laban naman kina Erwin Tulfo, Mocha Uson at Ben Tesiorna.

Facebook Comments