Nananatiling buo ang loob at handa si Senator Antonio Trillanes IV laban sa anumang posibleng mangyari sa kanyang bilang pangunahing kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trillanes, kahit tapos na ang kanyang termino bilang senador ay patuloy syang magiging aktibong miyembro ng oposisyon.
Tiniyak din ni Trillanes na haharapin din niya sakaling siya naman ang ipatawag sa pagdinig ng mga nanalong senador na kaalyado ni Pangulong Duterte.
Binanggit pa ni Trillanes na kung si dating Pangulong Gloria Arroyo nga noon ay patuloy niyang nilabanan kahit nasa loob sya ng bilangguan.
Diin ni Trillanes, ganyan talga ang buhay kaya sa halip na mapraning ay dapat niyang harapin ang lahat.
Sabi ni Trillanes, kung hindi man niya kakayanin ang lahat ng unos na darating ay andyan naman ang Diyos para sya ay saklolohan dahil nasa panig sya ng tama at katotohanan.
Ikinumpara naman ni Trillanes sa ‘wild ride’ ang kaniyang naging termino dahil maraming mga twist and turns, nakaparaming downs at konting ups pero ang mahalaga ay ibinigay niyang ang pinakamahusay niyang pagtupad sa trabaho o tungkulin niya.
Pinasalamatan din ni Trillanes, ang lahat, pamilya niya, mga staff at kasamahang senador, ang media at mga taga suporta.