Senator Villanueva, ipinagtanggol si dating Pangulong Aquino

Manila, Philippines – Para kay Senator Joel Villanueva, “legally inappropriate” ang kasong usurpation of authority na isinampa ng Ombudsman laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa Mamasapano incident.

Paliwanag ni Villanueva, hindi pwede ang nabanggit na kaso dahil bilang pangulo ay Commander-in-Chief din noon si Aquino ng pambansang pulisya at sandatahang lakas.

Diin ni Villanueva, ginawa lang ni dating Pangulong Aquino ang alam niyang tama at makakabuti sa bansa at sa mamamayan ng maipit sa engkwentro ang mga tauhan ng PNP special action force kaugnay sa kanilang misyon na dakpin ang ilang terorista.


Tiwala naman si Villanueva na maidedepensa ni dating Pangulong Aquino ang kanyang sarili at kanyang karangalan laban sa nabanggit na mga kaso.

Facebook Comments