Senator Villanueva, tiwalang makikinabang ang OFWs sa nilagdaang kasunduan ng ASEAN para sa migrant workers

Manila, Philippinws – Ikinatuwan ni Committee On Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang nilagdaang kasunduan sa katatapos na Association of Southeast Asian Nation o ASEAN summit para sa proteksyon at pagsusulong ng karapatan ng mga dayuhang manggagawa.

Buo ang tiwala ni Senator Villanueva na ang lubos na makikinabang ang tumataas na bilang ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa nabanggit na kasunduan sa pagitan ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

Ayon kay Villanueva, umaayon din ang nabanggit na agreement sa mga nakabinbin na panukala sa senado na naglalayong pagbutihin ang benepisyo at proteksyon para sa mga mangagawang Pinoy sa abroad.


Umaasa si Villanueva na dahil sa nabanggit na kasunduan sa ASEAN ay mas mabibigyan ngayon ng sapat na atensyon ang mga adbokasiya at pagsisikap nilang mga mambabatas na mapagkalooban ng mas magandang kinabukasan ang mga OFWs sa bansa at maging sa ibayong dagat.

Facebook Comments