Senator Villanueva, umaapela sa gobyerno na huwag ipagbawal ang mga pauwing OFWs

Nauunawaan ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang panganib at hawaan na dulot ng lomolobong kaso ng COVID-19 ngunit hindi aniya tamang solusyon ang pagbabawal sa mga Pilipinong nasa ibayong-dagat na makauwi sa kanilang mga pamilya.

Katwiran ni Villanueva, unti-unting nauubos ang naitabing savings ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) para sa kanilang pamilya habang sila ay stranded sa ibayong-dagat.

Pakiusap ni Villanueva, huwag antaying magkalkal sila ng mga basura para makakain o mamalimos sa tabi-tabi bago payagang makabalik sa bansa.


Dagdag pa ni Villanueva, kailangan silang mapauwi dahil ang ating mga overseas office na undermanned at underfunded na ay dinadagsa ng lumalaking bilang ng stranded na OFWs.

Giit ni Villanueva ang mahalaga ay ipagpatuloy ang maayos na contact tracing at maipatupad ng mahigpit ang quarantine protocols upang siguruhin na walang COVID-positive na indibidwal na makakalusot at makakahawa sa hometown ng mga OFWs.

Facebook Comments