Senator Villar, pinayuhan ang publiko na tigilan na ang unli rice

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Senator Cynthia Villar ang publiko na kumain ng mas maraming gulay at tigilan na ang unli rice para maingatan ang kalusugan at makapagtipid sa bigas.

Pahayag ito ni Senator Villar sa pagdinig ng pinamumuan niyang Committee on Agriculture kaugnay sa polisiya ng gobyerno na mag-angkat ng bigas bilang solusyon sa kakapusan ng suplay nito.

Ipinaliwanag ni Villar na bukod sa dalang sakit ng sobrang pagkain ng kanin, ay lumilitaw din sa pag-aaral ng mga eksperto na umaabot sa 23 milyong pisong halaga ng bigas ang nasasayang araw-araw.


Sa pagdinig ng Senado, ay natalakay ang target ni Agriculture Secretary Manny Pinol na maging rice sufficient ang bansa pagdating ng taong 2020.

Kinumpirma naman ng National Food Authority o NFA na tuloy pa rin ang pag-aangkat ng bigas ngayong taon.
DZXL558

Facebook Comments