Senator Villar, tiwalang patatatagin ng ASEAN Summit ang mga maliliit na negosyo

Manila, Philippines – Tiwala si Senator Cynthia Villar na malaki ang maitutulong ng ginaganap ngayong Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit sa pagpapatatag sa mga maliliit na negosyo sa Pilipinas.

Umaasa si Villar, na maraming matututunan ang Pilipinas sa mga bansang kasapi ng ASEAN na modelo ng Small and Medium Enterprises o SMEs.

Ayon kay Villar, sa ngayon ay nasa 95% ang mga maliliit na negosyo sa ating bansa.


Kasabay nito ay nanawagan din ang senadora sa lahat ng stakeholders na suportahan ang national organic agriculture program para palakasin ang export ng organic agricultural products at competitiveness sa 2.3 trillion dollars na aggregate economic ASEAN market.

Paliwanag ni Villar, ang nabanggit na programa ay blueprint ng development at promotion ng organic agriculture sa Pilipinas.

Nakapalood dito ang promosyon at komersyalisasyon ng organic farming practices, cultivation at adoption ng production at processing methods, gayundin ang capacity building ng magsasaka at edukasyon ng consumers.

Facebook Comments