Senator Zubiri, muling nagpositibo sa COVID-19 swab test

Muling nagpositibo si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa COVID-19 swab test na isinagawa sa kaniya kahapon, July 26, pero negatibo naman siya sa tatlong COVID rapid tests.

Ito ang dahilan kaya hindi na itinuloy ni Zubiri ang pagpunta sa Batasang Pambansa para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa halip ay umuwi siya sa bahay at nagself-quarantine.

Umaasa si Zubiri, na ang nadetect na virus sa kanya ay hindi na nakahahawa at remnants o tira-tira na lang nang tamaan siya ng COVID noong Marso kung saan siya ay nakarecover na.


Dahil dito, sumailalim uli si Zubiri sa COVID-19 swab test na isinagawa ng Philippine Red Cross kaninang hapon at inaantabayanan pa ang resulta.

Diin ni Zubiri, malakas naman siya at walang anumang nararamdamang sintomas ng COVID-19.

Patuloy ring magtatrabaho si Zubiri habang naka-self isolate.

Facebook Comments