Senator Zubiri, nag-donate din ng kaniyang plasma sa PGH

Matapos gumaling mula sa COVID-19 ay nag-donate ngayon si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng plasma sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa pagkakaalam ni Zubiri, ang mga COVID-19 patients na nabigyan ng plasma treatment sa PGH at St. Lukes Medical Center ay nagpapakita ng significant improvement o pagbuti sa kanilang kundisyon.

Kaugnay nito ay hinihikayat ni Zubiri ang mga katulad niyang nakaligtas sa COVID-19 na mag-donate ng plasma lalo at napakadali ng proseso at marami ang matutulungan na tinaman ng virus.


Bukod kay Zubiri, ay nauna ng nagbigay ng plasma ang isa pang survivor ng COVID-19 na si Senator Sonny Angara.

Facebook Comments