Matapos gumaling mula sa COVID-19 ay nag-donate ngayon si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng plasma sa Philippine General Hospital (PGH).
Sa pagkakaalam ni Zubiri, ang mga COVID-19 patients na nabigyan ng plasma treatment sa PGH at St. Luke’s Medical Center ay nagpapakita ng significant improvement o pagbuti sa kanilang kundisyon.
Kaugnay nito ay hinihikayat ni Zubiri ang mga katulad niyang nakaligtas sa COVID-19 na mag-donate ng plasma lalo’t napakadali ng proseso at marami ang matutulungan na tinamaan ng virus.
Bukod kay Zubiri, ay nauna ng nagbigay ng plasma ang isa pang survivor ng COVID-19 na si Senator Sonny Angara.
Samantala, bukod dito ay nauna ring nag-donate si Zubiri at isang grupo ng kanyang mga kaibigan na Art Rockers ng mga COVID-19 test kits sa PGH at ilan pang pribadong opsital dito sa Metro Manila.
Nagbigay din siya ng mga test kits sa ilang ospital sa Bukidnon, Cagayan De Oro, Surigao Del Norte at sa Bangsamoro Auhtonomous Region in Muslim Mindanao.