Tumangging magkomento si dating Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson kaugnay sa isyu ng hidwaan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng pamilya Duterte.
Si Chavit ang isa sa nagtaas noon sa kamay ng UniTeam o ng tambalan nina PBBM at Vice President Sara Duterte noong tumatakbo pa lamang sila noong 2022 elections.
Sa ambush interview kay Singson sa isang event sa Manila Hotel, inamin niyang isa sa dahilan ng hindi niya pagtakbo sa nakalipas na halalan ang pagbibigay muna ng suporta sa UniTeam.
Nabuwag ang tambalang Marcos at Duterte mula nang magbitiw si VP Sara sa gabinete at lumabas ang iba’t ibang isyu gaya ng imbestigasyon sa confidential funds.
Sa ngayon ay nahaharap sa dalawang impeachment complaint ang Pangalawang Pangulo pero una nang iginiit ni PBBM na hindi ito kailangan.
Samantala, bagama’t siguradong susuportahan ng mayorya ng mga taga-Norte sa kandidatura para sa 2025 midterm elections, nais din daw makuha ni Singson ang suporta ng taga-south partikular ng Mindanao.