Maluwag na tinatanggap ni Senatorial Candidate Romulo Romy Macalintal ang kanyang pagkatalo sa nakalipas na Midterm Election.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Macalintal na aminado siyang hindi sapat ang kanilang pangangampanya dahil hindi talaga lubusang nakilala sila ng taongbayan.
Paliwanag ni Macalintal isa siyang Independent Candidate na adapted ng Otso Deretso pero ang anim na natitira niyang mga kasamahan ay hindi nakilala ng publiko tanging sina Mar Roxas at Bam Aquino lamang ang nakikilala ng taongbayan kayat puspusan aniya ang kanyang pangangampanya.
Aminado si Macalintal na nagkulang sila sa Media Mileage at umasa lamang sa Media Debate na iniisip nilay na malaki ang maitutulong ang debate para lubos silang makilala ng taongbayan pero ang kanilang mga kalaban ay hindi humarap sa debate kaya hindi tuloy nalalaman ng taongbayan ang kanilang mga plataporma.