Senatorial line up na isasabak ng ruling party, halos isang taon ding pinag-isipan ni PRRD

Inilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagal na idinaan sa pag-uusap at pag-aaral kung sino ang isasabak ng kanyang partido para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Pangulong Duterte, isang taong binuo ang senatorial line up ng PDP-Laban pero mas minabuti niya aniyang huwag na lang itong sabihin pero isinapubliko din naman ito ng Pangulo sa bandang huli.

Matatandaan na limang kandidato ang tatakbo sa PDP-Laban partikular sina dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go, dating Secretary Francis Tolentino, dating PNP Chief Bato Dela Rosa, Senador Koko Pimentel at Congressman Zajid Mangudadatu.


Anim naman ang guest candidate ng PDP-Laban pero hindi naman nakasama sa mga ito si dating Senador Jinggoy Estrada dahil ayon kay Pangulong Duterte, ang kanyang mga ieendorso lamang ay ang mga dumalo sa proclamation rally ng kanyang partido.

Facebook Comments