
Nilinaw ng senatorial coalition ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala silang ilalaglag sa line-up ng administrasyon.
Ito’y kahit pa hindi binabanggit ng Pangulo ang pangalan ni Sen. Imee Marcos sa campaign rally noong Sabado sa Laguna.
Noong Biyernes din, present sa campaign rally sa Cavite ang mga kandidato nga administrasyon bukod kay Sen. Imee at Cong. Camille Villar.
Pero, hindi tulad ni Sen. Imee binanggit ng Pangulo ang pangalan ni Villar at pinuri ang kaniyang track record.
Nitong nakalipas na araw ay pinangunahan ni Sen. Imee ang imbestigasyon sa Senado sa pag-kakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanindigan naman ang Palasyo na walang nilabag na batas ang pamahalaan at sinunod ang lahat ng proseso nang naaayon sa Konstitusyon.