Inilatag ng mga senatorial candidates ang kanilang plataporma ukol sa kalusugan, edukasyon, agrikultura at benepisyo para sa mga Pangasinense.
Kasabay nito ang sabay-sabay nilang panawagan na maibalik sa bansa si Former President Rodrigo Duterte at ma-aksyonan ang maling pagkaka aresto sa kanya.
Daan-daang supporters ng mga kandidato ang dumalo sa naturang campaign rally.
Matatandaan na nangampanya rin ang senate slate ng administrasyon o Alyansa para sa bagong Pilipinas sa Dagupan City Noon lamang 25 Abril.
Sa nakalipas na nakaraang linggo, libo-libong Pangasinense ang niligawan ng mga senatorial candidates para sa nalalapit na halalan.
Bagamat may pagkakaiba sa ilang polisiyang nais itatag, umaasa ang mga Pangasinense na mangyari at maihalal ang mga tamang magrerepresenta ng taumbayan sa Senado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









