Senators Bam Aquino at JV Ejercito, nag-concede na

Tinanggap na nina Senador Bam Aquino at Senador JV Ejercito ang kanilang pagkatalo nitong eleksyon.

Ayon kay Ejercito, aalis siya ng Senado na buo ang kaniyang integridad at wala rin siyang balak na maghain pa ng electoral protest.

Sabi naman ni Aquino, hindi man siya pinalad na makakuha ng pangalawang termino hindi naman mauubos ang pagmamahal niya sa taumbayan.


Samantala, sa isang pahayag nagpasalamat rin si dating DILG Secretary Mar Roxas sa lahat ng sumuporta sa kaniya sa nakaraang halalan.

Bagaman dismayado at nakakalungkot sinabi ni Roxas na ganyan lang talaga ang buhay ng tao.

Facebook Comments