Senators Bong Go at Bato dela Rosa, no show sa SONA ni PBBM

Absent ang dalawang senador sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

No show kanina sa red carpet hanggang sa magsimula na ang SONA ni PBBM sina Senators Christopher “Bong” Go at Bato dela Rosa.

Sa Facebook page ni Go, makikita na kinukuhaan siya ng dugo.


Sa statement na ipinadala ng senador kinailangan niyang sumailalim sa stress echo para matiyak na physically fit siya sa kanyang paglilibot.

Ayon kay Go, masyado nang maraming bisita sa SONA at ayaw niya nang makipagsiksikan pa.

Gayunpaman, nanunuod aniya siya ng SONA at babantayan niya ang mga pangako ng administrasyon.

Samantala, wala pang ipinababatid na dahilan ang opisina ni Dela Rosa pero kung matatandaan naunang idinahilan ng senador na depende pa sa paggaling ng sakit sa kanyang tuhod ang kanyang pagdalo sa SONA.

Dumalo naman sina Bato at Go sa pagbubukas ng sesyon sa Senado kaninang umaga at walang sinabi sa mga mamamahayag na hindi sila dadalo sa SONA ng pangulo.

Facebook Comments