Senators Dela Rosa at Tolentino, dumalo sa PDP-Laban national assembly sa pamamagitan ng video conference

39

Sa pamamagitan ng video conference ay nakadalo saglit sa Partido Demokratiko Pilipino o PDP-Laban national assembly na ginanap sa Cebu sina Senators Francis Tolentino at Ronaldo “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Tolentino, sumilip lang sila saglit sa pulong ng PDP-Laban virtually dahil sila ay parehong physically present sa session sa Senado na nagsimula kaninang alas-tres ng hapon.


Dalawang beses na tinawag sina Dela Rosa at Tolentino sa roll call ng mga miyembro ng partido na dumalo sa nasabing pagtitipon ng PDP-Laban.

Kaugnay naman sa plano ng PDP-Laban na ipanawagan ang pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise-presidente sa 2022 elections ay sinabi ni Tolentino na handa silang sumunod sa kung ano ang magiging pasya ng nakararaming miyembro ng partido.

Facebook Comments