Senators Escudero at Honasan, walang nakikitang masama sa pagpapatapon ng mga tiwaling pulis sa Mindanao

Manila, Philippines – Para kina Senators Francis Chiz Escudero at Gringon Honasan, walang kwestyunable sa ginawa ni Philippine National Police o PNP Chief General Ronald Bato Dela Rosa na pagpapatapon ng mga tiwaling pulis sa Marawi at iba pang lugar sa Mindanao.

Ayon kay Escudero, basta mayroong kasong admnistratibo at kriminal ang mga abusado at tiwalaing pulis ay maaring silang italaga muna sa Mindanao partikular sa Marawi City habang naghihintay sa posibleng suspensyon o dismissal sa serbisyo.

Duda rin si Escudero na magtatangkang gumawa ng kalokohan ang mga ito habang nasa Mindanao dahil pwede silang matuto ng leksyon sa pagkakatalaga sa kanila sa mahirap at delikadong assignments.


“For as long as administrative and criminal cases are filed against the erring cops, I don’t see anything wrong with assigning such cops to difficult posts whole awaiting their suspension or dismissal from the service,” pahayag ni Senator Escudero.

Paliwanag naman ni Senator Honasan, naayon sa rules ang regulations ng PNP ang mabanggit na hakbang ni General Bato.

Giit ni Senator Honasan, purely administrative at procedural ang pasya ni General Dela Rosa na italaga sa Marawi ng dalawang pulis-Mandaluyong na nakunan ng video na pinapalo ng yantok ang dalawang lalaki na kanilang hinuli dahil sa pag-inom sa sidewalk.

“What the CPNP does to scalawags is a purely admin and procedural matter that is governed by law PNP rules and regulations,” paliwanag ni Senator Honasan.

Facebook Comments