Manila, Philippines – Walang nakikitang mali sina Majority Leader Tito Sotto III at Committee on National Defense and Security Chairman Gringo Honasan sa pagtulong ng tropa ng Amerika sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa Marawi City laban sa Maute Terror Group.
Giit ni Honasan, na-aayon sa Visiting Forces Agreement o VFA na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ang nabanggit na tulong.
Ayon kay Honasan, walang kwestyunable sa technical intelligence information na ibinibigay ng US troops basta’t hindi lalahok ang mga ito sa combat operations.
Diin naman ni Senator Sotto, okay lang at wala naman ng bago sa pagtulong ng US forces sa ating sandatahang lakas dahil dati na nila itong ginagawa.
DZXL558
Facebook Comments