Makatwiran para kay Senator Ping Lacson ang babala ni pangulong rodrigo duterte na pagsibak kay Vice Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs o ICAD kapag isiniwalat nito ang mga confidential information kaugnay ng drug war.
Diin ni Lacson, walang sinuman, kahit Vice President pa, ang pwedeng magsapubliko o magbahagi sa mga dayuhan ng mga classified o confidential information na maglalagay sa seguridad ng bansa sa alanganin at ang lalabag dito ay makakasuhan ng espionage.
Tiwala naman si Lacson na responsable si Robredo at alam nito ang nabanngit na basic rule.
Iginiit naman ni Senator Kiko Pangilinan na hindi na kailangang balaan ni Pangulong Duterte si Robredo dahil batid na nito kung ano ang maaring isiwalat at alin ang dapat manatiling confidential.
Samantala, napakabilis na nakalusot sa plenaryo ng senado ang panukalang 2020 budget para sa office of the vice president na nagkakahalaga ng mahigit 664.8-million pesos.
Si Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara ang nag-isponsor ng OVP budget kung saan wala kahit isang Senador ang nag-interpellate o nagtanong kaya agad itong naipasa.