Senators Lacson at Sotto, agad isusuko ang kanilang karapatan sa Bank Secrecy Law sakaling magtagumpay sa 2021 elections

2439

Para pangunahan ang isang disiplinado at malinis na gobyerno, ay sumumpa sina Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Tito Sotto III na agad nilang isusuko ang kanilang karapatan sa ilalim ng Bank Secrecy Law.

Ayon kay Lacson na isang presidential aspirant at Sotto na tumatakbo sa pagkabise-presidente, ito ang isa sa mga una nilang hakbang sakaling magtagumpay sa 2022 elections.

Nangako rin si Lacson na kasama sa mga unang gagawin niya ang pagbibigay ng mas episyenteng serbisyo para sa sektor ng kalusugan at ekonomiya, at ang pagkakaroon ng maayos na pundasyon para sa isang malinis na gobyerno.


Si Senator Sotto naman, bukod sa nabanggit na waiver ay kanya ding tututukan ang problema sa ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments