Nagpahayag ng suporta sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senator Panfilo “Ping” Lacson sa napabalitang balak na pagpapaluwag sa quarantine restrictions sa Metro Manila at iba pang lugar para makabalik sa operasyon ang mga pagnenegosyo.
Ayon kay Senator Recto, kailangan ng unti-unting buksan ang ekonomiya.
Diin naman ni Senator Lacson, matindi na ang tama sa ating ekonomiya ng ilang buwang lockdown kung saan naapektuhan ang kita ng bawat isa pati ang koleksyon ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Lacson, pabawas nang pabawas ang kaban ng bayan dahil sa pagtugon sa COVID-19 crisis.
Iginiit ni Lacson na maaaring magbukas muli ang pagnenegosyo basta’t istriktong masusunod ang physical distancing at iba pang protocols para sa pag-iingat laban sa COVID-19.