Wednesday, January 28, 2026

Senators Villanueva at Dela Rosa, pinalitan bilang mga miyembro ng Ethics Committee

Pinalitan sina Senators Joel Villanueva at Bato dela Rosa bilang mga miyembro ng Senate Committee on Ethics.

Sa ginanap na sesyon kahapon, inanunsyo ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na palitan ang dalawang mambabatas.

Ang mga ipinalit sa mga ito na miyembro ng minority sa komite ay sina Senators Imee Marcos at Rodante Marcoleta.

Paliwanag ni Zubiri, pinalitan sina Villanueva at Dela Rosa dahil na rin sa conflict of interest kaugnay sa mga hinaharap na kaso ng dalawang senador.

Samantala, nauna namang tiniyak ni Senate Committee on Ethics Chairman JV Ejercito na handa nang kumilos ang kanilang komite ngayong buo na ang kanilang mga miyembro.

Facebook Comments