Senators Zubiri, Angara, Ejercito at Hontiveros pinasasalamatan ng Bangsamoro

Bumisita sa balwarte ng Moro Islamic Liberation Front sa Camp Darapanan sa Sultan Kudarat Maguindanao ang apat na senador na kinabibilangan nina Senador Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, JV Ejercito at Risa Hontiveros.
Layun ng pagbisita ay para marinig ang sentimyento ng mga opisyales ng MILF kaugnay sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law.
May kagalakan namang sinalubong ng MILF Officials ang apat na Senador sa pangunguna ni MILF Chairman Murad Ebrahim.
Kasama rin sa nagtungo sa Camp Darapanan sina ARMM Governor Mujiv Hataman, WestMinCom Commander LtGen Carlito Galvez, at 6th ID Commander MGen Arnel Dela Vega.
Matapos ang pagtungo sa Camp Darapanan, agad na pinangunahan ng apat na senador ang Public Consultation sa ARMM Compound.
Umani naman ng papuri at pasasalamat sa mga residente ng Maguindanao , Cotabato City at buong Bangsamoro Homeland ang pagsisikap ng mga senador na isinaalang alang ang kapakanan ng mga Bangsamoro.

Pic: Bobby Uday

Facebook Comments