Send-Off ceremony bukas sa pagtatapos ng quarantine sa mga Pinoy mula Wuhan, China, kasado na

48

Kasado na bukas ang send-off ceremony ng Department of Health (DOH) para 49 na mga Pilipinong naka-kumpleto na ng kanilang labing apat na araw na quarantine sa New Clark City.

Ito ay binubuo ng 30 Pinoy repatriates mula Wuhan, China at 19 na crew members ng eroplanong sinakyan nang sunduin sila sa Wuhan.


Ayon kay Dra. Ma. Rosario Vergeire ng DOH, wala ni isa sa naturang mga Pinoy ang nagkaroon ng sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, ubo at pananakit ng lalamunan.

Nangangahulugan ito na malaya na nilang makakasama ang kanilang mga pamilya.

Facebook Comments