Manila, Philippines – Idaraos ngayong araw ang send-off ceremony sa mahigit 200 police scalawags na ipapatapon sa Mindanao.
Ayon kay NCRPO Director C/Supt. Oscar Albayalde – mamayang alas-10:00 ng umaga gaganapin sa NCRPO grandstand ang seremonya.
Sinabi pa ni Albayalde – nakaligtas ang 40 mula sa 200 pulis na itatalaga sa Basilan dahil sa maliit na kasong administratibo lamang ang kanilang kinakaharap dahil sa madalas na pagliban sa trabaho at paggamit ng cellphone habang naka-duty.
Kinumpirma naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa – byaheng Mindanao na bukas, February 21 ang mga pasaway na pulis.
Nabatid na plinanong paglinisin ng Pasig river ang mga ito pero nagpasya ang pangulo na ipadala ang mga ito sa Basilan.
tag: Luzon, Manila, DZXL 558, PNP Chief Ronald Dela Rosa, Mindanao, Basilan, C/Supt. Oscar Albayalde, NCRPO, Police Scalawags