Isasagawa ngayong araw, ang sabayang send-off ceremony para sa mga security personnel na itatalaga sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.
Ayon kay Philippine National Police (PNP)PIO Chief PCol. Jean Fajardo, layon nitong matiyak ang maayos, malinis, at mapayapang halalan sa bansa.
Maliban sa mga tauhan, i-tu-turn-over din ang mga gamit at sasakyan na gagamitin sa eleksyon.
Paliwanag pa ni Fajardo, na matapos ng turn-over ceremony lalagda naman sa isang kasunduan ang Commission on Elections (COMELEC) at PNP para sa sharing of data sa pamamagitan pag-link sa command center ng PNP sa PNP headquarters.
Aniya, sa pamamagitan nito ay real-time na makararating sa COMELEC ang sitwasyon sa iba’t ibang panig ng bansa mula sa mga polling centers.
Inaasahang dadalo sa aktibidad sina PNP Chief PGen. Benjamin Acorda, AFP Chief of Staff Romeo Brawner, COMELEC Chair George Erwin Garcia, PCG Commandant Vice Admiral Ronnie Gil Gavan at VP and Education Secretary Sara Duterte Carpio.