Send-off ceremony para sa mga Pilipinong atletang sasabak sa SEA Games, umarangkada na

Umarangkada na ang Send-off Ceremony para sa mga atletang Pilipinong sasabak sa 30th Southeast Asian Games.

Dumalo dito ang mga betarong atleta ng bansa tulad ni Olympic Boxing Medalist na si Onyok Velasco Jr., Bowler and Coach na si Paeng Nepomuceno at iba pa.

Ipinagmamalaki rin ang mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa kabilang si Asia’s First Chess Grand Master Eugene Torre at Track and Field Icon na si Lydia De Vega.


Ibinahagi ng mga alteta ang kanilang mga tagumpay para sa mga lalaban sa Sea Games.

Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC), malaking bagay ang event upang mapalakas pa ang loob ng ating mga atleta.

Sa kabuoan, nasa 1,115 ang mga Pilipinong atleta ang sasabak sa Biennial Meet.

Hangad ng PSC na makasungkit sila ng medalya at makapagbigay karangalan sa bansa.

Ito na ang ika-apat na beses ng pag-ho-host ng Pilipinas sa Sea Games.

Facebook Comments