SEND OFF CEREMONY SA HIGIT 100 BAGONG SUNDALO, ISINAGAWA NG 5ID

CAUAYAN CITY- Naitalaga na sa kani-kanilang destinasyon ang 20 second lieutenants at 122 bagong privates matapos ang isinagawang send-off ceremony ng 5th Infantry Division, Philippine Army (5ID, PA).

Pinangunahan ang seremonya ni Major General Gulliver L. Señires, Commander ng 5th Infantry Division, kung saan opisyal na inihayag ang deployment ng mga bagong opisyal at enlisted personnel sa iba’t ibang yunit sa ilalim ng 5ID.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni MGen. Señires ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng mga prinsipyong naka-angkla sa 5ID tagline: Malasakit, Disiplina, at Galing.


Matapos ang seremonya, agad nang tumulak ang mga sundalo patungo sa kanilang mga yunit, dala ang layunin na maglingkod sa bansa sa pamamagitan ng pagtugon sa insurhensya at paghahanda para sa anumang hamon na kanilang kakaharapin.

Facebook Comments