Send off ceremony sa mga Bagong Pilipinas Mobile Clinics na ipapadala sa Mindanao, umarangkada ngayong umaga

Nasa 28 na Bagong Pilipinas Mobile Clinics ang ipapadala ngayong araw sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ay sa pangunguna ng Department of Health katuwang ang ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, kumpleto na ang mga Bagong Pilipinas Mobile Clinics sa Luzon at Visayas habang ito naman ang last batch sa mahigit 80 ipapadala sa Mindanao.


Layon ng Bagong Pilipinas Mobile Clinics program na magbigay ng dekalidad na primary healthcare services sa mga liblib na lugar.

Partikular itong ihahatid sa mga lugar sa Mindanao kung saan pinaka-kailangan ang essential medical services.

Ang state of the art mobile clinics ay isasakay ng MV 2G0 Masikap at MV 2GO Maligaya.

Personal ding dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa programa na inaasahang magsisimula ngayong alas-nuwebe ng umaga sa Manila North Harbor Container Port.

Facebook Comments