Send-off ng 12 Pulis-Marikina sa kanilang home-province, pinangunahan ng LGU

Mas lalo pang mapagsisilbihan ng isang pulis ang kaniyang sinilangang bayan kung doon siya maitatalaga.

Ito ang pahayag ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa isinagawang send-off ng 12 mga Pulis-Marikina na sa wakas ay maililipat na sa kanilang lalawigan sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) Localization Program.

Ayon kay Mayor Teodoro, suportado niya ang programang ito sa ilalim ng leadership ni PNP Chief Director General Camilo Cascolan.


Bago ang send- off ay binigyan ang labindalawang pulis ng pagkilala ng lokal na pamahalaan dahil ilang taon ring silang nakatalaga bilang pulis sa lungsod ng Marikina.

Facebook Comments