Labag sa Konstitusyon ang pagpapahintulot sa mga mangingisdang Tsino na makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Reaksyon ito ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa pahayag ng Pangulong Duterte na papayagan nang mangisda ang Chinese fishermen sa karagatang-sakop ng Pilipinas dahil “friends” o magkaibigan sila ng China.
Ayon kay Carpio, batay sa 1987 Constitution, kailangang protektahan ng estado ang “marine wealth” sa EEZ at ipreserve ito para lamang sa mga Pilipino.
Aniya, nangangahulugan ito na hindi maaaring pahintulutan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Tsino na mangisda sa EEZ ng West Philippine Sea.
Hinimok din ni Carpio ang pangulo, bilang commander-in-chief, na mayroon itong constitutional duty na atasan ang Armed Forces of the Philippines na protektahan ang likas na yaman at iba pang submarine areas sa EEZ.