
Bumagsak sa kamay ng Southern Police District (SPD) ang isang senior citizen na humaharap sa sampung bilang ng kasong serious illegal detention.
Ayon sa Las Piñas City Police Station, ang suspek ay si alyas “Aileen,” na kilala ring “Madam Araba,” na residente ng Silang, Cavite.
Isinagawa ang pag-aresto sa suspek sa Hall of Justice ng Barangay Pamplona 3 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 198, Las Piñas City.
Mananatili ang suspek sa kulungan dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala nitong kalayaan.
Sa ngayon, nasa Station Custodial Facility ng Las Piñas City Police Station ang suspek habang hinihintay ang pag-iisyu ng commitment order mula sa court of origin.
Facebook Comments










