Senior citizen na nagtusok ng toothpick sa upuan ng bus – kulong sa Singapore

Singapore – Isang lalaking senior citizen sa Singapore ang posibleng makulong ng hanggang dalawang taon dahil sa pagtutusok ng tatlong toothpick sa upuan ng isang pampasaherong bus.

Muntikan na kasi itong maupuan ng isang pasaherong babae.

Katunayan, nag-viral pa ang insidente matapos niya itong i-post sa kanyang social media account.


Marami ang natawapero sa bansang Singapore, itinuturing na mischief crime ang pagtusok ng toothpick lalo’t may muntik nang mapahamak dahil dito.

Kilala ang Singapore na isa sa mga bansang may pinakamababang crime rate.

At ang public information slogan nito: “Low Crime Doesn’t Mean No Crime.”

Facebook Comments