SENIOR CITIZEN, NAGBIGTI-PATAY SA BAYAN NG MAKATO

21

Makato, Aklan — Wala nang buhay nang makita ang 75-anyos na lolo matapos magbigti sa Brgy. Libang Makato Aklan.
Ayon sa report ng Makato PNP na nakatanggap sila ng tawag mga 6:00 ng umaga mula kay Punong Barangay Victoria Tagala sa naturang insidente
Lumalabas sa imbestigasyon na mga alas singko ng umaga natagpuang nakabitay na ang biktima gamit ang lubid sa kanyang kubo ng mga napadaang residente na sina Johny Agsalon, at Lino Timbang para tingnan ang kanilang fishing line kung may huli na ito.
Agad pang sinaklolohan ang biktima ngunit patay na ito.
Napag alamang retired government employee ang biktima at sa pahayag ng kanyang pamilya ay posibleng na-depress umano ang biktima dahil sa pagkadelay ng kanyang pension.
Tumanggi namang iproseso pa ng SOCO ang labi ng lalaki at isailalim sa autopsy examination sapagkat kumbinsido naman ang pamilya nito na walang foul play sa nangyari.
Sa ngayon, nasa pangangalaga ng punerarya sa bayan ng Numancia ang biktima at nakatakdang iuwi sa kanilang bahay.
NOTE:
Ang lahat ng problema may solusyon. Kung ikaw ay may problema at gusto mong makahanap ng kausap, tumawag lamang sa HOPE hotline ng DOH-Center for Health Development sa Western Visayas sa numero. *1-800-10-333-8336 *0998-532-4047 *0917-775-9256 *0925-546-9919

Facebook Comments