Patay ang isang senior citizen matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang bahay sa Sitio Nagabungan, Brgy. Davila, Pasuquin, Ilocos Norte.
Kinilala ang biktima na si Joven Taccuban, 65-anyos, na nag-iisang naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Pasuquin Municipal Police Station, dakong alas-7 ng gabi ay maghahapunan sana ang biktima nang bigla itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Nakita sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng caliber .45 na ginamit sa pagpaslang sa biktima.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








