SENIOR CITIZEN, PATAY SA AKSIDENTE NG MOTORSIKLO SA SANTIAGO, ILOCOS SUR

Isang 65-anyos na babae ang nasawi habang sugatan naman ang kasama nitong rider matapos masangkot sa aksidente sa National Highway, Brgy. Caburao, Santiago, Ilocos Sur.

Kinilala ang mga biktima sa alyas na Nena, 64, driver ng motorsiklo, at Marlyn, 65, backrider; kapwa residente ng Brgy. Baybayabas ng nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng Santiago Police, nawalan ng kontrol ang motorsiklo at sumalpok sa paparating na van, dahilan upang mahila ang dalawa ng halos limang metro.

Kapwa isinugod sa ospital ang mga biktima, ngunit binawian ng buhay si Marlyn habang ginagamot.

Ang driver na si Nena ay patuloy na nagpapagamot sa Metro Vigan Cooperative Hospital.

Facebook Comments