Senior Citizen, Pinagbawalan sa Pagmamando ng Quarantine Checkpoint sa Isabela

90

*Cauayan City, Isabela*- Ipinagbawal na ni Isabela Governor Rodito Albano III ang pagtatalaga sa mga checkpoint ng mga may edad ng tanod o yung kabilang sa pagiging Senior Citizen sa kabila ng umiiral na Enhaced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Gov. Albano, ito ay upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan dahil batid nito na mas higit na prone sa naturang virus ang may mga edad o mahina ang resistensya.


Sinabi pa ni Albano na sa pamamagitan nito ay higit na mabibigyan ng sapat na lakas dahil bukod sa mapapalakas ng mga ito ang kanilang pangangatawan.

Hinimok naman ng Gobernador ang publiko na iwasan ang pagkakalat ng fake news sa kabila ng krisis na kinaharap ng bansa.

Facebook Comments