Senior Citizen sa Angadanan Isabela, Nagpakamatay!

92

Angadan, Isabela – Natagpuang nakatali sa leeg ang isang lolo sa loob ng koral ng hayop sa oras na alas singko ng umaga sa Barangay Bunnay, Angadanan, Isabela nitong nakalipas na Mayo uno,taong kasalukuyan.

Sa impormasyong ibinahagi sa RMN Cauayan, nakilala ang senior citizen na si Cristino Colobong, animnaput apat na taong gulang, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Sa naging imbestigasyon ng PNP Angadanan, nakita umano ng pamangking babae na si Ruby Rowena Pascual ang matanda sa loob ng koral ng hayop.

Napag-alaman pa sa mga kamag-anak ng matanda na lagi umanong sinasabi ni Colobong na pagod at sawa na sya sa kanyang buhay.

Ang bangkay ay nasa isang funeral service para sa isasagawang autopsy upang malaman kung nagpakamatay o hindi ang matanda.

Facebook Comments