Senior Citizen, Timbog sa Pagbibiyahe ng Kahoy na Panggatong

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang senior citizen matapos makumpiskahan ng firewood o ‘kahoy na panggatong’ sakay ng isang van habang nagpapatrolya ang pulisya sa mismong araw ng kapaskuhan sa Brgy. Sisim, Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Apolinario Dassil, 60-anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, agad na pinahinto ng mga otoridad ang isang van na kulay blue na may plakang CPV 556 kung saan kapansin-pansin ang nakabukas na pintuan ng sasakyan at tumambad ang higit kumulang 300 piraso ng panggatong kaya’t agad na inaresto ang suspek.


Sinubukang hingan ng kaukulang dokumento ang suspek subalit bigo itong magpakita maging ang permit to transport ng mga nasabing kahoy.

Mahaharap sa kasong Presidential Decree 705 o Illegal Logging ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng Peñablanca Police Station.

Facebook Comments