Senior citizens at may comorbidities, papayagan na ring magpaturok ng COVID-19 booster shots simula ngayong araw

Simula ngayong araw, papayagan na ring magpaturok ng COVID-19 vaccine booster shots ang senior citizens at mga indibidwal na may comorbidities.

Ito ang inanunsiyo kahapon ng Department of Health (DOH) kung saan kabilang na rin ang mga nasa A2 at A3 priority groups sa mga maaaring mabakunahan ng booster shots.

Ang mga immunocompromised individuals na papayagan ay ang mga mahihina ang resistensiya, mayroong HIV, cancer patients, transplant patients, at mga pasyenteng sumasailalim sa gamutan at humihina ang immune system.


Gayunman, nilinaw ng DOH na hindi pa pwedeng magpa-booster shots ang general population o yung hindi kasali sa A1 hanggang A3 priority groups.

Facebook Comments