Senior Citizens at Menor de Edad, Bawal na sa Lansangan!

Cauayan City, Isabela – Mahigpit nang ipagbabawal sa mga lansangan sa Lungsod ng Cauayan ang mga matatanda at menor de edad habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Base sa ordinance no.2020-287, umiiral ang curfew sa lungsod mula alas 8 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.

Ang mga menor de edad at matatanda ay nasakop sa 24 oras na curfew sa buong lungsod.


Babala ng LGU Cauayan, mahaharap sa parusa at multa ang mga magulang ng mga batang mahuhuli.

Ayong pa rin sa section 7 ng ordinance no.2020-287, limang daan ang multa sa first offense.

Tatlong libo sa 2nd offense kasama ang 24 oras na quarantine at anim na buwang community service samantalang limang libo sa pangatlong paglabag at pagkakulong mula dalawang buwan hanggang isang taon.

Hindi na tatanggapin ang rason tulad ng pagbili ng pagkain, gamot at basic commodities para sa kanilang pamilya.

Pinaalalahan ang mga magulang na iutos ang mga ito sa ibang kasapi sa pamilya, kasabay ang paalalang bantayan at alagaang mabuti ang mga menor de edad at senior citizens na kasama sa tahanan.

Batay sa tala ng DOH, pinaka ‘vulnerable’ sa COVID-19 ang mga menor de edad at matatanda.

Facebook Comments