CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga Senior Citizens at Qualified Persons with Disability sa bayan ng Jones, Isabela.
Sa ilalim ng programang Project Nurture and Care for the Marginalized, bawat senior citizen ay tumanggap ng P2,000, habang ang bawat PWD ay nakatanggap ng P3,000.
Ang programang ito ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Jones sa ilalim ng liderato ni Municipal Mayor Nhel Montano, na may layuning tugunan ang pinansyal na pangangailangan ng mga benepisyaryo at bigyan sila ng karagdagang suporta.
Bukod dito, nilinaw na ang tulong pinansiyal na ibinigay sa mga senior citizens ay hindi bahagi ng DSWD pension, kundi isang karagdagang inisyatiba mula sa lokal na pamahalaan upang mapabuti ang kanilang kalagayan.
Ang programang ito ay patunay ng pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na maipaabot ang nararapat na suporta sa mga pinaka-nangangailangan sa kanilang komunidad.