SENIOR CITIZENS CENTER NG LIMANG LGU SA PANGASINAN, SUMAILALIM SA BALIDASYON

Dumaan sa on-site validation ang limang lokal na pamahalaan sa Pangasinan bilang bahagi ng pagpili sa Most Outstanding Senior Citizens Center sa lalawigan.

Isinagawa ito ng Provincial Social Welfare and Development Office upang kilalanin ang mga sentrong nagbibigay ng ligtas, inklusibo, at makabuluhang serbisyo para sa mga nakatatanda.

Kabilang sa mga sumailalim sa pagsusuri ang mga bayan ng Asingan, Balungao, Basista, Villasis, at ang lungsod ng Urdaneta.

Ia-anunsyo ang tatanghaling Most Outstanding Senior Citizens Center sa Pangasinan sa darating na Oktubre 22, 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments