Senior citizens, ipagbabawal sa pagsakay sa mga tren pag-GCQ na

Kinumpirma ng Department of Transportation o DOTr na bawal sumakay sa mga tren ang mga matatandang pasahero kung magsimula nang ipatupad ang General Community Quarantine sa Luzon.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, pinapayo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na manatili sa loob ng bahay ang mga matatandang may edad na 60-years old pataas.

Pero aniya, depende kung kabilang ang isang senior citizen sa mga essential workers, na pinapayagan lumabas ng kanilang tahanan.


Iginiit niya na ang panuntunan ng DOTr na ipinatutupad sa train transportation ng bansa sa panahon ng GCQ ay alinsunod sa mga guideline ng IATF-EID.

Muling pinaalala ni Tugade na hindi rin authorized lumabas ang may edad na 21 years old pababa, mga buntis, may mga sakit o karamdaman sa kalusugan, kung sakaling ipatupad na ang GCQ.

Facebook Comments