Senior citizens na fully vaccinated, dapat pa ring sundin ang health protocols – DOH

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga senior citizens na fully vaccinated na laban sa COVID-19 na manatiling sumunod sa health protocols.

Ito ay matapos payagan ng pamahalaan ang mga senior citizens na lumabas ng bahay lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahalaga pa ring nakasuot ang mga senior citizens ng face mask at face shield, at iwasan ang mga matataong lugar.


Ang polisiya aniya ay magiging epektibo sa Miyerkules, June 16.

Sinabi ni Vergeire na kahit nabakunahan na laban sa COVID-19 ay maaari pa ring magkaroon ng mild case kung na-expose sa virus.

Payo ni Vergeire na iwasan ang anumang interaction kapag nasa labas ng bahay.

Panawagan din ng DOH sa iba pang senior citizens na magpaturok na ang COVID-19 vaccines.

Facebook Comments