Senior citizens na mang-aabuso sa paggamit ng 5% discount sa pagbili ng prime commodities at basic necessities, maaaring makulong at magmulta

Binalaan ng Department of Trade in Industry (DTI) ang mga senior citizen na mang-aabuso sa paggamit ng kanilang 5% discount.

Ito ang inihayag ng DTI, kasunod ng pormal na pagpirma ni DTI Secretary Alfredo Pascual, Department of Agriculture Secretary Francisco Laurel Tiu at Department of Energy Secretary Raphael Lotilla sa joint administrative order sa pagbili ng mga prime commodities at basic necessities.

Ayon kay Atty. Amanda Nograles, maaaring makulong ng hanggang 6 na taon ang mga senior citizen o kamag-anak na aabuso sa nasabing discount.


Liban pa rito, magmumulta rin ng ₱100,000 ang mga lalabag dito.

Samantala, ipinaliwanag rin ng DTI na pinapayagan na mamili gamit ang booklet at discount online pero depende sa mga online stores kung paano nila ito gagawin.

Asahan namang ilalabas ang nasabing effectivity nito sa susunod na linggo.

Facebook Comments