Senior Citizens na may trabaho, dumarami

Dumarami ang bilang ng mga Senior Citizens ang nabibigyan ng trabaho sa bansa.

Base sa 2018 Labor Force Survey, 1.8 Million na may edad 65 pataas ay may trabaho.

Ayon kay DOLE Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay, malaking tulong ito para punan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.


Palalakasin din aniya nito ang ekonomiya ng bansa.

Kadalasan, ang mga Senior Citizens ay tinantanggap sa mga Supermarkets at Department Stores bilang support staff sa mga customer.

Sa ilalim ng regulasyon ng DOLE, ang mga Senior Citizen ay dapat makatanggap ng sahod na hindi bababa sa itinakdang Daily Minimum Wage.

Facebook Comments